Unang gawain
Sa unang gawain, kami ay inatasan ng aming guro na basahin at unawain ang tula na nasasaad sa baba.
Kunin mo ang ibig kunin sa dampa ko,
Palay, bigas, lusong, at halong pambayó,
Kung inaakalang ililigaya mo,
Laban man sa puso’y handog ko sa iyo…
Anak ko ma’y hubdan ng suot na damit,
Sampun ng baro kong lampot at gulanit,
Ibibigay ko rin maluwag sa dibdib,
Kami ma’y lamunin ng init at lamig…
Datapwa’t huwag mong biruin si Ina!
Huwag mong isiping sapagka’t api na,
Ang Ina ko’y iyong masasamantala…
Si Ina ang aking mutyang minamahal,
Si Ina ang tanging buhay ko’t katawan;
Siya, pag kinuha, ikaw’t ako’y… patay!
Pagkatapos nito ay aming iguguhit ang aming interpretasyon sa tula at gagawan ito ng paliwanag.
Paliwanag sa larawang ginuhit: No’ng aking binasa ang tula, isang imahe ng ibong umiiyak ang pumasok sa aking isipan dahil ang impresyon na aking nakuha sa tula ay tumutukoy sa kalayaan. Ang litrato na aking iginuhit ay isang ibon na umiiyak matapos tanggalan ito ng kakayahang lumipad ng isang tao. Makikita rito ang kamay na may sugat at bahid ng dugo mula sa ibon, ito ay dahil bago mawalan ng kakayahang lumipad ang ibon, ito’y lumaban bago mawalan ng pag-aga ang mga mata nito. Ito ay dahil napaka importante sa ibon ang kanyang paglipad dahil ito ang paraan upang makakain at makalipat sa mas ligtas na lugar; kung kaya’t tanggalin man ang kanyang mga balahibo, bulagin man ang isang mata, kalbuhin man ang isang bahagi ng mukha, tutubo ang mga nawalang balahibo at ang nag-iisang mata ay magagamit pa rin, ngunit kapag tinanggal mo ang kakayahang lumipad nito, doon iiyak ng lubusan ang isang ibon, dahil hindi ka makakalipad ng iisa lang ang pakpak mo, kailangan mo ng dalawa. Sa panahon ng kagipitan, maaabot mo ang mga hindi mo kayang gawin hindi lang mawala ang mga bagay na importante sa’yo, tulad ng kalayaan.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento