Tula tungkol sa Politika
Sa indibiduwal na gawaing ito, kami ay inatasan ng aming propesor sa asignaturang ito na gumawa ng tula tungkol sa politika. Pinamagatan 'ko ang aking tula nang, "Tagapagsalita".
Bakit nga ba tagapagsalita? Dahil para sa akin, ang mga politiko ay mga tagapagsalitang bumibihag sa ating puso't isipan.
Ito ang aking orihinal na ginawang tula:
“Tagapagsalita”
Orihinal na akda ni: Annicah Sia
Mabilis na ulat, huwag magugulat.
Marami pa siyang pupuntahang sikat,
Tagapagsalitang tungkuli’y sumapat,
Ako’y isang langgam, pasan ay mabigat.
Hatid ay balita, sundin kanyang wika.
Batid ‘ko ang aking kalayaa’t saka,
Ngunit ba’t binutasan ang aking bangka?
Kahit ito’y makapal tulad ng langka?
Manahimik akong kanilang binihag,
Kanila ang aking dila at pandinig.
Katulad ng mga buwayang lumulundag,
Mabigat at nakakasakal na yabag.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento