Tekstong Argumentatibo

Para sa indibiduwal na gawaing ito, kami ay inatasang gumawa ng tekstong arugmentatibo tungkol sa paksang, ano ang epekto ng digmaan sa Ukraine at Russia sa mundo ng Engineering? 

At ito naman ang aking gawa:

“Ang mataas na inflation rate dulot ng gyera sa pagitan ng Ukraine at Russia sa ekonomiya ng mundo”

        Isa na namang madilim na yugto ang maisusulat sa kasaysayan ng ating mundo. Bukod sa pandemyang naminsala sa buong mundo na nagsimula noong 2019 hanggang sa kasalukuyang panahon, ang lantarang pananakop naman ng Russia sa Ukraine ang sumunod gumimbal sa buong mundo. Ang gyera sa pagitan ng dalawang bansa ay nagsimula pa noong 2014, ika-20 ng Pebrero, ngunit noong ika-24 lang ng Pebrero sa kasalukuyang panahon ay lantarang sinakop na ng Russia ang Ukraine. Ang lantarang pananakop na ito ng Russia ay nagdulot pa lalo ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin, kakulangan sa mga raw materials sa mga industriya ng pagawaan, at shipping delays ng kanilang mga produkto na sanhi ng mataas na customer demand sa iba’t-ibang panig ng mundo. Ito ang mga dahilan kung bakit ang kasalukuyang gyera na nangyayari sa Ukraine ay masama ang maidudulot sa ekonomiya ng mundo, lalong-lalo na sa mga industriya ng pagmamanupaktura ng mga produktong ating kailangan.

        Bukod sa mga nabanggit sa taas, atin ring masasabi na ang international supply chain ay nasa hindi magandang estado simula ng magsimula ang pandemya at ang gyera na nagaganap ngayon sa Ukraine at Russia ang nagpalala pa lalo ng sitwasyon (inflation rate) lalo na sa mga industriya na umaasa sa kuryente, tulad ng fossil fuels. Mapapatunayan ito sa pahayag ni Bajaj at Karunakar (2022), Ang internasyonal na benchmark para sa langis - Brent crude futures, ay tumaas sa loob ng 16 sentimo ng $120 bawat bariles - pinakamataas itong naitala mula noong 2012, bago bumagsak sa humigit-kumulang $110, sa pag-asang magkakasundo ang Estados Unidos at Iran sa lalong madaling panahon sa isang nuclear deal na maaaring magdagdag ng output sa isang market na kulang sa suplay. Ngunit ang mga futures ng krudo ng Brent ay tumataas sa higit sa 1.5% sa $112 noong ika-3 ng Marso, habang ang mga alalahanin sa suplay at sa mga inaasahan na ang digmaan ng Russia sa Ukraine ay maaaring tumama sa pandaigdigang ekonomiya mula sa mas mataas na mga presyo na magdudulot ng mahinang paggastos at pamumuhunan. Ayon naman sa isang panayam ng presidente
ng World Bank, na si David Malpass sa BBC news noong ika-5 ng Marso sa kasalukuyang panahon, sinabi niyang “Ang digmaan sa Ukraine ay ‘isang sakuna’ para sa mundo dahil ito’y pumipigil sa paglago ng ekonomiya sa bawat bansa”. Dagdag pa niya, "Ang digmaan sa Ukraine ay nangyari sa hindi magandang panahon dahil ang inflation rate ay tumataas pa lalo" (Josephs, 2022). Kung kaya’t aking masasabi na ang pinaka epekto ng digmaang ito ay ang inflation rate na siyang magpapahirap lalo sa mga mahihirap. Kung ating titignan, ang inflation rate sa ating bansa ayon sa pinakabagong forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas (2022), sinasabing ang pagtaas ng presyo ay nasa 3.7% para sa taon na ito, ngunit ito’y magpapakita naman ng pagbaba sa 3.3% sa susunod na taon. Ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng international prices ng pagkain, langis, kakulangan sa supply ng baboy, at ang posibleng pagtaas ng pamasahe sa transportasyon na siyang importante sa tao at sa idustriya upang patuloy na umandar ang ekonomiya ng isang bansa. Dagdag pa ng BSP (2022), ang mabilis na inflation rate ng mga produkto ay dahil sa natamong gambala ng international supply chain sa pandaigdigang merkado na dulot ng gyera sa pagitan ng Ukraine at Russia. Sinasabi rin ng BSP (2022) na maaring bumagal ang inflation rate sa unang bahago ng taon ngunit tataas pa ito ng 4% sa 2nd quarter ng taon bago ito bumaba sa target range nila na 2% hanggang 4% sa 3rd at 4th quarter sa kasalukuyang panahon. Tayo naman ay dumako inflation rate forcecasts ng ibang bansa, ayon kay Neufeld (2022) ng markets in a minute, ang United States ang nagtala ng pinaka mataas na inflation rate na 3.5% para sa taon na ito. Sumunod ang United Kingdom na nagtala naman ng 2.6%, habang ang mga ibang bansa naman ay nasa below 2% (hindi kasama ang Pilipinas).

        Bilang pagwawakas, hindi lang sa Russia at Ukraine ang pinsala ng kanilang gyera, ito’y mararamdaman din sa buong mundo dahil konektado ang mga ekonomiya ng bawat bansa sa mundo. Ang mabigat na epekto ng gyera sa ekonomiya sa daigdig ay ang pagtaas ng presyo ng bilihin, na tinatawag ding inflation rate, isama mo pa rito ang shortages kung magpapatuloy pa ang gyera sa pagitan ng dalawang bansa. Tunay ngang hindi maganda ang dulot ng gyera sa ekonomiya ng bawat bansa. Marami ang magugutom dahil sa taas ng bilihin at walang kikitain ang mga industriya dahil lilimitahan ang pagbili ng bawat pamilya.

Sanggunian:

Bajaj, S. & Karunakar, R. (2022). Ukraine war intensifies risks to global economy, says moody’s analytics. Kinuha sa https://www.ndtv.com/business/ukraine-war-intensifies-risks-to-global-economy-says-moodys-analytics-2803155
Bangko Sentral ng Pilipinas. (2022). Monetary policy report February 2022. Kinuha sa https://www.bsp.gov.ph/SitePages/PriceStability/VisualMPR/MonetaryPolicyReport_February2022.aspx#:~:text=We%20have%20decided%20to%20keep,of%202.0%25%20to%204.0%25.
Josephs, J. (2022). Ukraine war is economic catastrophe, warns World Bank. Kinuha sa https://www.bbc.com/news/business-60610537
Neufeld, D. (2022). Mapped inflation forecasts by country in 2022. Kinuha sa https://advisor.visualcapitalist.com/mapped-inflation-forecasts-by-country-in-2022/

Mga Komento

Kilalang Mga Post