Pagsasaling wika

        Ito ang aming ikalawang pangkatang gawain kung saan kaming grupo ay nagsama-sama upang magsalin ng isang tekstong Ingles sa Filipino.

Ito ang tekstong ingles na aming isinalin:

        Another related matter in this study is the availability of learning tools or devices that is equally important. Although we are in an era where technological instruments and apparatuses are within reach, there are still some who do not have one. For example, in a particular country in South Asia, a study showed that respondents have at home and in the university, computers and internet facilities (Siddiquah and Salim, 2017). In another study, students possessed various types and brands of mobile phones especially smartphones (Essel et al., 2018). This is possible because the market of mobile phones became in demand and the prices are very competitive for consumers. Some studies showed the dependency of students on smartphones for online learning and internet access (Apuke & Ivendo, 2018; Muthuprasad et al., 2021). But Gezgin (2017) indicated no significant difference in the duration of smartphone ownership and on the occurrence of nomophobia to university students. However, another study stated that mobile learning devices have a positive effect on students' perceived efficiency of working (Chase et al., 2018). But the most pressing issue here is the unwillingness of students towards the blended-online learning approach (Baloran, 2020).

        
       For the local context, in the Philippines, several studies showed some contrasting sentiments with regards to internet connectivity and the use of gadgets or devices for online learning. In a study by Fabito et al., (2020) the group revealed that one of the three barriers and challenges that students encountered in online learning was a good internet connection. Another related concept from Casillano (2019) indicated that only a minimum of the students has internet access thus impeding them to access the e-learning platform. In another study, poor students do not own laptops and desktop computers and have limited internet connections (Cleofas & Rocha, 2021). However, in the findings of Jin and Sabio (2018), the use of mobile devices has the potential to be used and adapted for learning. Another study showed that the greater number of device types owned by a student, the greater the level of learning readiness (Estira, 2020). In addition, from another state university in the country, a study revealed the students' readiness for online classes however, the burden from computer and internet rentals in cafes exists (Yra et al., 2020).

At dito naman ang aming salin sa Filipino:

    Ang isa pang kaugnay na bagay sa pag-aaral na ito ay ang pagkakaroon ng mga kagamitan sa pag-aaral na pare-parehong mahalaga. Bagama’t tayo ay nasa panahon na kung saan ay abot-kamay ang mga teknolohikal na instrumento at aparato, mayroon pa ring ilan na walang ganito. Halimbawa, ipinapakita sa isang pag-aaral sa isang bansa sa timog na bahagi ng Asya na ang mga respondente ay mayroong mga kompyuter at internet sa kanilang mga kabahayan at unibersidad. Sa ibang pag-aaral, nakasaad na ang mga estudyante ay nagmamay-ari ng iba’t ibang uri at tatak ng mobile phones lalong-lalo na ng mga smartphone (Essel et al., 2018). Ito ay posible dahil ang industriya ng mga mobile phone ay nagiging patok at patuloy nang kinikilala, maging ang mga itinalagang presyo para sa mga ito ay tila kinakagat na rin ng masa. Ipinapakita naman sa ilang mga pananaliksik kung paano naging malaking tulong ang smartphones para maipagpatuloy ng mga estudyante ang kanilang online learning, gayundin ang mas pinadaling access nila sa internet (Apuke & Ivendo, 2018; Muthuprasad et al., 2021). Para kay Gezgin (2017), walang kung ano mang koneksyon ang tagal ng pagmamay-ari ng isang indibidwal sa kaniyang smartphone sa pag-usbong ng mga kaso ng nomophobia sa mga mag-aaral ng unibersidad. Gayunpaman, nakasaad sa isa pang pag-aaral na ang mga mobile na kagamitan sa pag-aaral ay may positibong epekto sa nakikitang kahusayan ng mga mag-aaral sa paggawa (Chase et al., 2018). Ngunit ang pinakamabigat na isyu dito ay ang hindi pagpayag ng mga mag-aaral sa blended-online na paraan ng pag-aaral (Baloran, 2020).


    Para sa kontekstong lokal, ilan sa mga pang-aaral na nabanggit ay nagpakita ng magkasalungat na mga opinyon tungkol sa mga paksa na tumutukoy sa: koneksyon sa internet at sa paggamit ng gadgets o ng devices para sa online learning. Ayon sa pag-aaral ni Fabito et al., (2020) inihayag nila na ang isa sa tatlong hadlang at hamon sa online learning na nararanasan ng mga mag-aral sa lahat ng antas ay ang pagkakaroon ng maganda at malakas na internet connection. Ang isa pang kaugnay na konsepto mula kay Casilano (2019) ay nagpahiwatig na ilan lamang sa mga mag-aaral ang may internet access kaya napipigilan sila sa pag-access sa plataporma ng e-learning. Sa isa pang pag-aaral, ang mga mahihirap na mag-aaral ay walang sariling laptop at desktop kompyuter at may limitadong koneksyon sa internet (Cleofas & Rocha, 2021). Gayunpaman, sa mga natuklasan ni Jin at Sabio (2018), ang paggamit ng mga mobile device ay may potensyal na magamit at iakma para sa pag-aaral. Ang isa pang pag-aaral ay nagpakita na ang mas maraming uri ng device na pagmamay-ari ng isang mag-aaral, mas mataas ang antas ng kahandaan sa pag-aaral (Estira, 2020). Bilang karagdagan, mula sa isa pang unibersidad ng estado sa bansa, ipinakita ng isang pag-aaral ang kahandaan ng mga mag-aaral para sa mga online na klase gayunpaman, ang pasanin mula sa pagrenta ng kompyuter at internet sa mga cafe ay umiiral (Yra et al., 2020).


Mga Komento

Kilalang Mga Post