Pagkatang gawain (Group D)

    Ito ang aming unang pangkatang gawain, kung saan kami'y bumuo ng grupo upang magbigay ng interpretasyon sa graph, tsart at iba pang biswal na pantulong. Heto ang pangkalahatang panuto:

Pangkalahatang panuto:

1. Bumuo ng interpretasyon at konklusyon mga datos na nakalahad sa ibibigay ng guro.

2. Kinakailangan na masuring mabuti ang mga datos bago ilahad ang interpretasyon ng grupo at ang konklusyon sa bawat datos.

3. Sundin ang pamantayan sa pagmamarka na nakalahad sa itinakdang gawain.

4. Malayang pumili ng mga grapikong presentasyon sa mga datos na ibibigay ng guro sa bawat pangkat.

5. Ang bawat pangkat ay bibigyan lamang ng isang (1) oras sa nasabing gawain.

6. Ang bawat grupo ay mayroon lamang na 10 minuto sa presentasyon ng kanilang ginawa.


At heto ang aming gawa:

Talahanayan bilang 1

    Ang ginawang pag-aaral ay may pamagat na “Implikasyon ng Pandemya sa Pang Akademikong Perpormans ng mga Mag-aaral”. Sa pag-aaral na ito, ang kabuuang bilang ng mga kalahok ay siyamnapu (90), na binubuo ng apatnapu’t limang (45) babae at apatnapu’t limang (45) lalaki na mag-aaral.


Talahanayan bilang 2

        Batay sa resulta ng porsyento ng pagkatuto ng mga kalahok, makikita na sa walong paksa, ang disiplinang english ang may pinakamababang porsyento na may datos na 67.612%, sumunod naman dito ang math na may porsyento na 68.543, at disiplinang science na may porsyentong 69.301. Gayunpaman, ang may pinakamataas na porsyento naman ay ang disiplinang Mapeh na may porsyento na 77.788, pumapangalawa ang disiplinang edukasyon sa pagpapakatao na may porsyentong 74.745, at pumapangatlo naman ay ang disiplinang TLE na may porsyentong 73.245. Pumapagitna naman ang mga disiplinang Filipino na may datos na 70.346%, at disiplinang Araling Panlipunan na may datos na 71.981%.



Talahanayan bilang 3

        Ayon sa resulta sa talahanayan bilang 3, ang salik na nangungunang nakaaapekto sa pag-aaral ng mga kalahok ay ang kawalan ng internet connection na may mean na 4.59. Sinundan naman ng salik na kakulangan ng mga impormasyong nakalahad sa modyul na may mean na 4.58, at kakulangan sa gadget/s na may mean na 4.57. Sa kabilang banda, pumapanghuli naman ang mga salik na hindi nakatapos ng pag-aaral ang mga magulang/tagapangalaga na may mean na 3.47, kakulangan ng suporta ng gobyerno na may mean na 3.02, at pagkakaroon ng malubhang sakit na may mean na 1.54.


Konklusyon

        Batay sa mga datos na natuklasan at inilathala sa itaas, mabubuo ang sumusunod na konklusyon: ating masasabi na ang bawat kalahok ay may pagkakaiba ng perpormans sa iba’t ibang disiplina kung kaya’t hindi pantay-pantay ang naitalang tsart dahil iba-iba ang kanilang gustong disiplina. Ngunit mas marami ang may gusto ng MAPEH kaysa English. Bukod pa rito, atin ding masasabi na ang isa sa mga dahilan kung bakit mataas o mababa man ang pagkatuto ay dahil sa karamihan sa mga kalahok ay nakakaranas ng kakulangan sa impormasyong nakalahad sa kanilang modyul. Bukod pa rito, ang mabagal na internet connection at kakulangan sa gadget ang dalawang pang sanhi kung bakit naaapektuhan ang pagkatuto ng mga kalahok.






Mga Komento

Kilalang Mga Post